Dalawang klase ang longganisang Calumpit. Longganisang bawang at longganisang matamis, ngunit mas gusto at mas dinadayo ng karamihan ang una. Nalilinya ang longganisang bawang ng Calumpit sa longganisa ng Vigan at Cabanatuan na pare-parehong binabalikbalikan ng mga lokal at mga turista.

Ang longganisang bawang ng Calumpit ay kadalasang makikita sa hapag kainan sa bawat tahanan. Nagdadala kasi ito ng magaang pakiramdam at sumisimbolo rin ito sa simpleng buhay at pagkaka-isa. Pinagbibigkisbigkis ng longganisa ang bawat isang Kalumpitento katulad ng gampanon ng sipi o tali sa mga ito.

Sa tuwing kumakain ako ng longganisang Calumpit, pakiramdam ko magaan ang lahat sa buhay, walang problema, walang intindihin. It tastes like home sabi nga nila. Dahil sa sobrang lasa ng bawang nito, naging biruan na kapag dumighay ka pwede pa ang isang subo ng kanin.

image

credits: google para sa mga larawan